Budjoy's Blog

mga nobelang nilikha ng aking imahinasyon

CALEB ARAGONEZ (Book 4) December 3, 2009

Filed under: CALEB ARAGONEZ (Book 4) — budjoy @ 10:04 pm

________________________________________

TEASER

Is it true that love really exists lalo na sa taong nagmamahalan?

Paano kung sa unang pagkakataon ay wrong time at wrong place mo na-meet ang soul mate mo. May susunod pa kayang second chance na right place, right time?

Halina’t buklatin ang pahina ng pag-iibigan nina Caleb at Angelica sa Twins Club.

Check this novel @ Internetserye

 

MATTHEW AGUILAR (Book 2) August 11, 2009

Filed under: MATTHEW AGUILAR (Book 2) — budjoy @ 5:10 pm

MATTHEW

 

CHARLIE ARAGONEZ (Book 3)

Filed under: CHARLIE ARAGONEZ (Book 3) — budjoy @ 5:05 pm

CHARLIE

________________________________________

TEASER

Charlie Aragonez is a handsome arrogant and well known as one of the riches bachelor in town. He thought he had everything, money, woman and name. Hanggang sa nakilala niya si Liane, isang tindera sa sidewalk na malapit sa kanyang kumpanya.

He asks her, if he pays her a million would she come and live with him as his wife but no love? In short, walang pinagkaiba sa mga mistresses ng mga may asawa.

Pumayag kaya si Liane sa alok nitong milyones ngunit ang katumbas naman ay ang buong dangal at pagkatao niya? O magtitinda na lang siya ng kakanin? Marangal ngunit kung minsan ay kinukulang pa sa pang araw-araw niyang gastusin.

________________________________________

CHAPTER 1

“MANONG! Ale bili na kayo ng kakanin.” ang malakas na sigaw ni Liane sa mga taong dumadaan sa kanyang harapan.

Tanghaling tapat na ay wala pa siyang natitinda kahit isang kakanin. Swertehan talaga kung minsan ay ubos ang kanyang paninda, lalo na kapag araw ng Lunes. Pero pag ganitong sabado at linggo ay matumal talaga, wala masyadong trabahador sa building na kung saan siya ay nag-aalok ng paninda.

“Uy! Miss,” baling niya sa isang dalaga na kabababa lang sa mamahaling kotse. Sa tingin niya ay anak mayaman ito, dahilan na rin sa tindig at kilos na animo modelo. “Miss, bili ka na ng bibingka ko masarap ito bagong gawa pa.” halos ipagduldulan niya sa babae ang bibingka.

“Eww! I’m not that cheap. Besides, I don’t like eating dirty food in the street,” iritableng baling nito sa kanya. “And please, tumabi-tabi ka nga sa harapan ko.” maarteng patuloy nito at iwinasiwas ang kamay sa kanya para itaboy siya.

Tinaasan siya nito ng kilay at tinakpan ang ilong. Nakahalata naman siya kung ano ang pakahulugan non kaya’t inamoy niya ang kanyang sarili kung nangangamoy na nga siya. Napangiwi naman siya ng malaman niyang amoy araw na pala siya. Sa tagal na rin siguro ng pagkakatayo niya sa arawan ay pinawisan siya ng husto. Nakalimutan kasi niyang magdala ng pangtakip sa pagmamadaling mahuhuli siya sa pwesto.

“Ay! Miss pasensiya ka na ha mainit kasi rito sa labas,” paliwanag niya sa maalinsangan niyang amoy. “Pero alam mo, malinis naman itong bibingka at saka kapag natikman mo ito tiyak babalik-balikan mo itong bibingka ko.”

Tiningnan siya nito ng alanganin at napaisip sa mga sinabi niya. Binigyan naman niya ito ng matamis na ngiti kahit pa hindi niya gusto ang ugali nito. Tutal naman sa loob-loob niya, wala siyang gagastusin sa pang araw-araw kapag nagsunit siya. Sanay na rin naman siya sa mga taong masusungit katulad ng babae sa harapan niya. Hindi naman niya masisi ang mga mayayaman tulad nito, dahil hindi ito nakaranas ng tulad niyang isang kahig isang tuka.

“Ano miss bibili ka na ba?” muling tanong niya rito. “Kahit siguro boyfriend mo masasarapan dito sa bibingka ko pagnatikman niya ito, sigurado ako na mamahalin ka pa non.” eksaheradong pang-uuto niya sa babae.

“Totoo ba iyan? Baka naman niloloko mo lang ako ha.” paniniguradong nitong tanong sa kanya.

“Miss, ganito na lang ang gawin natin. Bibigyan kita ng isang libre,” sabi niya sa babae habang binabalot ang bibingka sa plastic. “Kapag nasarapan ka o kung sino man iyang kasintahan mo, bumili ka sa akin ng marami mamaya paglabas mo riyan sa opisina. Ano payag ka ba?” magiliw na tanong niya rito.

Ngumiti ang babae sa kanya at dumukot ito sa bag na sa tingin niya ay mamahalin. At ng mailabas nito ang pitaka ay kumuha ito ng pera. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang perang iniabot nito.

“Miss bibilhin mo na kagad itong bibingka?” takang tanong niya rito. “Hindi mo pa natitikman bakit inaabutan mo na ako ng pera? At saka wala akong ipampapalit sa isang libo mo, barya-barya lang kasi ang kinikita ko.” masayang mungkahi niya ngunit nangangamba rin siya na baka mag-iba ang isip nito sa pagbili ng kanyang bibingka.

“It’s alright, you can have my one thousand,” sabi nito sa kanya habang napatunganga naman siya sa pagkabigla. “I’ll take it all at siguraduhin mo lang na masarap ito ha.”

“Opo masarap ito, ako yata ang gumawa nito.” mabilis niyang sagot sa babae. “Pamana pa sa akin ng lola ko ang paggawa nito miss. Kaya tiyak kong hindi ako mapapahiya sa inyo.” pagmamayabang niya rito.

WALANG pagsidhan ang kaligayan ni Liane ng araw na iyon. Ang akala niya ay hindi na niya mauubos ang paninda.

“Sa wakas makakauwi na rin,” sabi niya sa mga kasama. “Oh! Pano ba mga mare at manong maiwan ko na kayo ditto at ubos na ang paninda ko. Ang prinsesa ninyo ay aalis na ha.” biro niya sa mga kasamahan na nagtitinda rin ng mga pagkain sa harap ng kumpanya.

“Ang swerte mo talaga Liane!” ang sabi sa kanya ng isang matanda na halos tatlong pulgada ang layo sa kinatatayuan niya. “Bukod kasi sa kagandahan mo, marami pa ang nauuto mo sa pagbili ng bibingka mo.”

Sana’y na siyang binibiro ng matanda at ng iba pa. Dahil sa lagi niyang nakakakwentuhan ang mga ito lalo at wala silang customer na bumibili.

“Nay Siyone.” tawag niya ng pansin dito. “Alam niyo naman ganon talaga kapag prinsesa ng bibingka, lahat dumidikit sa lagkit.” pabirong sagot niya rito.

“Ah! Ganon ba? Ay bakit hanggang ngayon wala pang dumidikit sayong mayamang lalake, nasasayang ang ganda mo.” ang lagi nitong tanong sa kanya. “At saka sa lagkit niyang bibingka mo, puro ata mga malalagkit na mukha ang nakakapansin sayo ha Ineng.”

Napangiwi siya sa huling sabi nito. Totoo kasi na ang mga nagkakagusto sa kanya ay mga kasing panget ng ungoy at halos matanda na rin. Kung tutuusin ay pwede na rin niyang tawaging Itay ang mga mayayamang matatanda.

“Nako kayo talaga Nay ang sama niyo ha. Kapag nagtampo ako sa inyo wala ng prinsesa ng bibingka dito sa malahiganteng harap ng building na ito.” away niya sa matandang babae.

Napahagalpak naman ng malakas ang iba pang mga kasamahan niya roon. Pakiramdam niya ay talagang lagi siyang sablay sa matanda kapag nagsisimula na niyang biruin ito. Kahit kailan hay wala siyang masabi na hindi ito nakipag argument sa kanya.

“Ikaw kasi ang bilis mong umuwi. Alam mo naman na gusto kong makilala mo ang isa kong suki na binata.” sabi nito sa kanya. “Kay gwapong bata noon at mabait pa. Alam mo ba pag nabili iyon ng candy sa akin, lagging sobra ang bayad. Mantakin mo isang daan na bayad niya ay tatlong piraso lamang ng candy ang kukunin niya.” kwento nit aling Siyone na halos nakahawak pa sa kanyang braso.

“Nay Siyone! Nabigyan lang kayo ng sobrang bayad naniwala na kayong mabait ang Charlie na iyon.” iiling-iling sa sumbat niya rito. “ At saka baka naman naawa lang din yon. At saka gasino lang ba naman ang isang daan sa kanya, Eh! tingnan niyo nga itong nasa harap natin,” at itinuro niya ang napakalaking building sa mantanda, “ Ayan ang katunayan na ang isang daan niya ay piso at barya lang sa kanya.”

Laging ipinagmamalaki ng matanda ang binata sa kanya kahit pa ni minsan ay hindi niya nasilayan ito. Unang dahilan na rin niya ay dahil nga sa maaga siyang umuuwi at hindi na niya naabutan pa ang binatang tinutukoy ng matanda. Naririnig rin niya sa mga kasamahan na ang lalaking tinutukoy ng matanda ay isang anak mayaman at ito ang nagmamay-ari ng Aragonez Company. Pangalawa, wala na rin naman siyang interes sa pag-ibig dahil ang pag-ibig ang naging dahilan ng pagkakahiwalay ng kanyang magulang. At iyon ang ikinamatay ng kanyang Ina. Dahil hindi nito nakayanang sumama sa iba ang kanyang ama. At pangatlo, hindi na rin niya gugustuhing magmahal kung ganoon rin ang mangyayari sa kanya.

“Ikaw bata ka. Kapag umibig ka kay Charlie at inibig ka niya wag mo naman kami kalilimutan ditto ha.”

“Nako Nay! Kapag nakilala lang ako niyang si Sir Aragonez, tiyak na didikit iyon sa bibingka ko.” sabi niya rito habang ineempake na ang kanyang gamit. “Isa pa, kahit ipakilala niyo ako kay Sir Aragonez e baka hindi rin ako magustuhan noon,” pagpapatuloy niya. “ Una ho kasi mahirap lang ako, pangalawa amoy araw pa at pangatlo –” ang dina naituloy pang sasabihin niya sapagkat may tumawag sa matanda sa likuran niya.

Nilingon niya ang lalaking nasa likuran para mapagsino iyon. Nabigla naman siya ng makita ang artistahin at mukang maawtoridad. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggan paa, ngunit hindi nakaligtas ang ginawa niyang iyon sa lalaki. Tatalikod na sana siya para umalis na at umiwa ng tinawag naman siya ni Nay Siyone.

“Liane, hoy Liane,” tawag sa kanya ni Nay Siyone. “Ito nga pala si Charlie, yung tinutukoy ko sayo.” magiliw na tawag sa kanya ng matanda. Pakiramda niya ng mga oras na iyon ay minamasdan na rin siya ng lalaking ngangangalang Charlie. Pero mas pinagtuunan niya ng pansin si Aling Siyone na kasalukuyang hinihila ang binata papalapit sa kanya.

“Ay! Magandang araw ho mang Charlie.” binati niya ito tanda ng pag galang at nginitian na rin.

Natawa si Aling Siyone sa pagbati niya sa binata, ngunit ang binata ay seryoso lamang ng nakatingin sa kanya.

“Nako Liane, bata pa itong si Charlie huwag mong tinatawag ng Mang Charlie. At saka hindi rin bagay sa kanya. Napakabait pa nitong si Charlie kasi hinahayan niya tayong mga tinder na magtinda rito sa harap ng building niya,” sabi ni Aling Siyone na may kasama pang pangaral. “Okey lang na maging magalang ka pero Ineng, huwag naman sobra ha.” At tumawa pa ito habang sinasabi iyon sa kanya.

Napakamot siya sa ulo at medyo napahiya na rin siya sa pangaral ng matanda. Lumapit naman sa kanya ang binata para makipag kamay at makipagkilala.

“Hi, I’m Charlie Argonez,” pormal na bati at pakikipagkamay nito sa kanya. “Ngayon lang yata kita nakita dito.” kunot noong sabi nito.

“Hello ho.” ilang na iniabot niya ang kanyang kamay para kamayan rin ito. “Lagi akong nagtitinda dito kaso maaga ring nauubos ang mga paninda ko. Kaya maaga rin ho akong umuuwi.” patuloy niya.

Napansin naman niyang hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya, kaya nagkusa na siyang bawiin ito. Nabigla naman ang binata sa ginawa niyang pagbawi ng kamay ngunit hindi ito nagpakita ng pagkailang. Dumukot ang binata sa bulsa at inilabas ang nakabalot na bagay sa tissue at binuklat iyon sa harapan nila.

“Aling Siyone, Ikaw ba ang gumawa nitong bibingka?” tanong nito sa matanda.

“Hijo, nako hindi ako ang gumagawa ng bibingka. Kita mo naman puro mga candy at sigarilyo lang ang binebenta ko.” paliwanag nito sa lalaki. “Itong si Liane ang mismong gumawa at nagtitinda niyang kakanin na iyan.”

Bumaling naman sa kanya ang binata at ngumiti pa. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito. Bigla ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Para siyang malulusaw sa pagtitig at pag ngiting ginagawa nito sa kanya. Nalalanghap pa niya ang napakabangong pabago nito. Tuloy hindi na rin niya naiwasang dumistansiya. Pero ang binata ay lalo pang lumalapit sa kanya.

“I like your bibingka. Its taste so great.” puri nito sa kakanin niya. “Sana madatnan kita bukas. I’ll buy all your bibingka tomorrow, at yan ang papakain ko sa mga investor na dadalaw dito.” may hatid na pagmamakaawa sa unang sabi nito.

“Sige dadamihan ko ho ang gawa nitong mga kakanin para—” and di na niya natuloy pang sabihin dahil inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha.

“Bakit may kasamang ho, Am I look old?” seryosong tanong nito sa kanya.

“Pasensiya na ayaw mo pala ng may gumagalang sa iyo.” alinlangang ngunit papilosopang sagot niya kay Charlie.

“Charlie na lang ang itawag mo sakin hindi mo na kailangang dagdagan pa ng ho.” may himig na lambing ang pagkakasabi nito. “At saka bukas pala yung bibingka ipasok mo na lang sa loob ng building. Sasabihin ko sa guard na ipinapa deliver ko sa iyo yan.” sabi nito habang dumukot ito sa pang itaas na bulsa. “Here’s my card, Be sure to show it to guard para papasukan ka nila sa loob.”

Kinuha naman nito ang kahita na iniabot nito sa kanya. Tiningnan niya iyon at muli niyang ibinaling ang paningin sa lalaki.

“Sige bukas ipapasok ko ang bibingka ko diyan sa malaking building.”

At muli ay iniabot nito ang kamay sa kanya para kamayan siya at magpaalam na sa kanila. Hinabol pa ng tingin niya ang binata habang papasok na ito sa pinto ng building. Hindi na niya maitago ang ngiting kanina pa niya gustong pakawalan.

“Nay Syone!” sigaw niya sa matanda habang kinikilig pa. “Ay grabe naman pala ang ka gwapuhan niyang Charlie Argonez na iyan. Bakit naman hindi niyo sinabi sakin na ganoon ka Adonis ang lalaking iyon?”

“Iyon nga ang araw-araw kong sinasabi sayo, ay ewan ko ba kung talagang bingi kang bata ka.” paliwanag nito. “Ano ha tinamaan ka nab a ng pana ni kupido?”

Natawa siya sa huling sinabi ng matanda. Sa tingin niya ay nakadama siya ng malaking paghanga sa binata. Pero imposible naman na magkakagusto sa kanya si Charlie Aragonez. Dahil isa lang siyang hamak na tindera.

“Imposible naman iyan Nay Siyone. Sa tingin ko masyadong mayaman iyon para sa tulad kong tinder lang. At saka hindi niyo ba nakita yung babae kanina? Mukang nobya iyon ni Charlie.”

“Asus! Nagpaawa pa itong si Liane. Aba’y maganda ka naman, sa tingin ko nga e wala kang pinagkaiba roon sa babae kanina. Maliban na nga lamang sa mayaman siya at mahirap ka naman.” sabat ng isa pang tinder na si Irma.

Iyon ang mga bagay na gusto niya sa mga kasama sa harap ng building. Bukod kasi sa mga ka vibes na niya ang mga ito ay lagi pa silang nagkakaroon ng mga bagay na nagbibigay kaligayahan sa isat-isa. Kahit tirik at pagod sa pagtitinda, hindi na nila alintana ang hirap at pagod dahil kasama na ang mga tsismis na pwede nilang pagsaluhan.

MARAMI ang nagsasabi sa kanya na pwede siyang maging anak mayaman. Dahil sa itsura niya na halos kasing ganda ni Lucy Gomez. May mga nagtatanong kung anak mayaman rin siya dahil sa kulay niyang balat sibuyas, kahit bilad sa araw ay makinis at maputi pa rin iyon. Ang pinagkaiba nga lamang nila ni Lucy Gomez ay ang height, dahil ang taas niya ay limang pulgada lamang. Maliit siya ngunit hindi iyon nakabawas ng kahit na anong pagkapula sa kanyang itsura. Maliit at matangos naman ang kanyang ilong na binagayan ng mapula at makipot niyang labi. Ang buhok naman niya ay tuwid at itim na itim na umabot sa ibaba ng kanyang balikat.

“Sige mga katoto at mga kutatera, ako’y aalis na, magkita na lang tayo bukas.” birong paalam niya sa mga kasamahan.

“Magiingat ka sa pag-uwi at alam mo namang delikado na ngayong mga panahong ito.” paalala sa kanya ni Aling Siyone.

Nginitian niya ito bago tuluyan ng pumra ng jeepney na paparating. Kumaway siya sa mga ito habang papalayo at lulan ng naparang sasakyan.

PAGKARATING ni Liane sa tinutuluyang bahay, nakita niyang nasa harapan ng pinto ang may ari masungit na may ari ng tinitirhan niya. Pagkapsok pa lamang ng gate ay nagsimula na itong magbunganga sa panghingi ng bayad sa renta.

“Lintik ka Liane! Aba! Anong akala mo sa paupahan ko libre?” singhal nito sa kanya. “Kung ganito ka palagi, mabuti pang lumayas ka na rito at hindi ako magkakapera sayo. Minamalas ako at nalulugi ako sa mga katulad mong mga mahihirap!” singhal nito habang nagpapapaypay ng diyaryo.

Nagpanting ang kanyang ulo sa narinig na pagbubunga ng kanyang land lord. Ngali-ngali niyang suntukin ang pango na nitong ilong at hampasin ng bilao niya. Ngunit mas pinatili niya ang kagandahang asal. At dahil na rin sa apat na buwang utang ay mas naisip niyang utuin muli ito.

“Kayo naman masyadong umiinit ang ulo,” sabi niya rito at kinuha niya ang isang libo na napagbentahan niya kanina. “Ito na yung bayad sa renta. Huwag na ho kayong magmutarga, yung kulang ho bukas ko na lang ihahabol, dahil makakabenta ako ng malaki.”

Hinablot nito ang isang libo at itinaas nito iyon para alamin kung tunay ang perang ibinayad niya. At ng masigurong hindi peke ay nagsimula muli itong magsalita.

“Kung ganyan ka ba naman sa oras ng bayaran ng renta, malamang ay bumait pa ako sayo,” mataray na sabi nito sa kanya. “At siguraduhin mong pagbalaik ko rito, ihanda mo na ang pera. Huwag mo akong pagtataguan dahil sa susunod lahat ng gamit mo nasa labas na at pinag pi-pyestahan na ng mga tambay dito.” patuloy na litanya nito.

________________________________________

CHAPTER 2

PAGPASOK ni Liane sa loob ng building ay halos lumuwa ang mga mata niya. Ngayon lamang niya napasok ang loob noon at sa tantiya niya ay kahit ang kinikita niya sa pagtitinda sa kakanin ay di aabot sa mga materyales na nasa loob niyon. Nakita niya ang guard sa pinaka loob ng building, Inilabass niya ang card na ibinigay sa kanya ni Charlie at pinakita sa guard iyon

Itinuro ng guard ang elevator kung saan ay hindi pa niya nasubukang sumakay roon.

“Guard hindi ho kasi ako marunong sumakay riyan.” totoong pag-amin niya rito. “Pwede ho bang ituro niyo na lang sakin yung hagdanan at maglalakad na lamang ako?” tanong niya sa guard.

“Miss nasa tenth floor ho yung opisina ni Sir Aragonez, tiyak na hihingalin ka bago mo marating iyon. Kung gusto mo ay pumasok ka na sa elavator at pipindutin ko na lamang ang button kung saan ka lalabas.” sabi nito sa kanya.

Pumayag na rin siya ng malamang ganong karaming palapag ang aakyatin niya. Hindi rin naman niya kakayanin na akyatin iyon dahil sa bigat ng mga dala-dala niya. Bago siya pumasok sa elavator ay binigyan rin siya ng guard ng instruction kung saan dapat siya pupunta kapag bumukas ang elevator. At habang lulan ng papatas na elevator ay di niya naiwasang mapaisip.

“Napaka bongga pala nitong building na ito.” at di na rin niya napigilang ibaba ang paninda at hinawakan niya ang mga boton at ang bakal na pader ng elevator. “Wow ang kintab-kintab. Pwede akong manalamin.” tinitigan niya ang kanyang itsura sa salamin at isinuklay niya ang kanyang kamay sa tuwid na buhok. Inayos na rin niya ang damit.

Tumunog na ang elevator at minadali niyang kunin ang bilao. Hinanap ng paningin niya ang sekretaryang sinasabi ng guard kanina. Hindi naman siya nahirapang makita iyon dahil sa pagbukas ng elevator ay nabungaran na niya ang babaeng nakayuko at mukang may ginagawa sa lamesa nito.

“Miss.” tawag niya rito.

Hindi naman ito tumingin pero sumagot ito sa kanya at tinanong kung may appointment ba siya kay Mr. Aragonez. Ipinakita niya ang card na hawak niya at ipinatong niya iyon sa lamesa nito, at doon lang ito tumunghay sa kanya. Nabigla naman siya dahil ito ang babaeng kausap niya kahapon na bumili ng bibingka.

“Ay miss ikaw pala yung sekretarya ni Sir Aragonez.” ang masayang sabi niya rito.

“Yes ako nga, anong kailangan mo kay Charlie?” masungit na sagot nito sa kanya. “At saka pwede ba hindi mo ba nakikita ang name plate na ito?” ipinakita nito ang name plate na nakakabit sa dibdib. “It’s Dianne. Maam Dianne ang itawag mo sakin at di miss.” irritable pa ring patuloy nito habang siya ay ngawit na ngawit na sa pagdadala ng bilao na naglalaman ng bibingka.

“Napag utusan lang akong gumawa ng bibingka na de-deliver ko sana kay Sir Aragonez.”

Pinasadahan siya nito ng tingin at iniangat nito ang teleponong katabi at nag dial ng numero roon.

“Sir, do you have an appointment with” at tumingin ito sa kanya para alamin ang pangalan niya.

“Liane.” ang mabilis naman niyang sagot dito.

Kumunot ang noo nito at nagpatuloy sa sasabihin, “With the vendor outside the building?” medyo may halong lambing na tanong nito sa kabilang linya. At ng masiguro ang bagay na itinanong niya ay ibinaba na nito ang awdotibo at kinausap siya.

“Charlie said, he will be right here in a minutes after the meeting. Just sit at the couch and wait there.” itinuro nito ang sofa at muling yumuko.

Hindi siya nakakaintindi ng ingles pero sa sinabi ng babae ay para siyang natigagal. Napansin naman nito na nakatunganga lang siya at hindi umaalis sa kinatatayuan, Kaya naglakas na siya ng loob na tanungin muli ang sinabi nito.

“Miss, Ay! Maam Dianne, hindi kasi ako nakakaintindi ng wikang ingles. Pwede bang paki tagalong mo na lang?” hiyang tanong niya rito.

Nakita naman niya ang pagsungaw ng ngiti sa mga labi nito. Halatang nang uuyam ito dahil sa pag iling ng ulo at mahinang tawa na tinakpan pa ang bibig para hindi mapalakas ang boses.

“Gosh! Maupo ka muna sa sofa. Lalabas si Charlie dito pagkatapos ng meeting. Maliwanag na ba?” patuloy pa rin ito sa pag tawa habang nagsusulat at di pa rin siya kumikilos. “Oh? Ano pa ang tinatanga-tanga mo riyan, maupo ka na.” patuloy pa nito.

Ngalingali niyang hampasin ito ng bilaong hawak niya at ingudngod sa bibingka ng lumagkit ang mukha nito. Totoo namang hindi nga siya nakakaintindi ng wikang ingles. Dahil hindi siya nakatungtong ng kolehiyo kundi sa pang anim na baytang ng elementary lang. Kung hindi lamang namatay ang kanyang ina ay tiyak niyang hindi ganoon ang sasapitin niya. Nagngingitngit tuloy ang kalooban niya sa isiping sa mga ganoong bagay lamang siya nakadarama ng pagkaawa sa sarili. Sa labas ng malahiganteng building na ito ay hindi niya nararamdaman ang mga ganitong bagay. Iba kasi ang pananaw ng mga tao sa labas ng lansangan. Mas mahalaga ang kumita at makabili ng pagkain sa araw-araw. Pero sa loob ng napakaganda mundo na inaakala niya ay puro mga masasama naman ang mga ugali ng tao, tulad na lamang ng Dianne na ito. At dahil sa masamang isipin niya sa babae ay hindi na rin niya alintana ang mga nangyayari sa paligid.

“Liane,” Ang tawag sa kanya ni Charlie at nagpabalik sa kanyang muni-muni. “Please come inside.”

Napatingin naman siya sa tumawag sa kanya at nakita niya ang pagsilay ng mukha ni Charlie sa pintuan at may ngiti ang tawag nito. Napabaling rin ang tingin niya kay Dianne na sa pagkakatingin niya ay hindi mapakaling kiti-kiti sa upuan na animoy kinikiliti. Tumayo naman siya at nilapitan ang binata sa pintuan.

“Sir Charlie, Ito na po iyong bibingkang inorder niyo sakin kahapon.” sabi niya dito sabay lapit at abot ng hawak-hawak na bilao.

Lumapad ang pagkakangiti nito ng inabot niya ang kanyang hawak. Sinenyasan pa nito ang sekretarya at nakiusap na dalhin ang bilao na may lamang bibingka.

“Dianne pwedeng paki dala ito sa conference room tapos ilagay mo sa plato then ipagtimpla mo ng juice ang mga investor.” utos nito sa sekretaryang si Dianne.

Tumango naman ang isa tanda ng pag sang-ayon sa ipinagagawa ng amo. Bago muling bumaling sa kanya ang binata at hinagod muna siya ng tingin na nakapagbigay sa kanya ng kakaibang tensiyon. Hinawakan nito ang kanyang siko na sa hindi niya malamang rason ay nagbigay iyon ng pagpabilis ng tibok ng kanyang dibdib.

“Come inside Liane.” sabi nito sa kanya at iginiya siya sa loob ng opisina.

Malaki rin ang loob ng opisina ng binata, at ginala niya ang kanyang paningin. Kapansinpansin ang pagiging masculine color at mga kagamitan. Pagkakita niya sa upuan ay ymupo na siya at hinarap ang binata na kasalukuyang maluwag ang mga labi sa pagkakangiti sa kanya. Sa puntong iyon ay sobra ang paghangang ibinigay niya sa suot nitong business suit, dahil nagbibigay iyon ng lakas ng appeal nito.

“So, how much I owe you?” pukaw nito sa titig na ibinigay niya at nakapagpabalik sa kanyang katinuan.

“Ha? yes?” tanong niya rito sa di inaasahang tanong nito sa kanya. Kayat yes ang sinagot niya dahil iyon lang naman ang alam niyang ingles. ‘Yes’ at ‘No’ lamang.

Humalakhak si Charlie sa sagot niya kayat tumawa rin siya upang sabayan ang pagtawa nito. Kahit tawa ng binata ay kay sarap pakingan sa loob-loob niya. Naisip tuloy niya pano kaya kung ligawan siya nito. ‘Ah kabaliwan ang iniisip mo Liane. Tandaan mo magbibingka ka lang at yes lang ang alam mong ingles.’ saway niya sa sarili.

“Yung sa bibingka, magkano ba iyon lahat?” tanong sa kanya muli ng binata ngunit ngumingiti pa rin ito sa kanya.

“Ay yung bibingka ba ang tinatanong mo? Nako mura lang iyon sir, apat na raan lang iyon lahat.” Sagot niya sa presyong tinatanong nito sa kanya.

“Wow ganon lang ba ang presyo mo sa masarap na bibingka? Dapat pala dinamihan ko na, para pwede ko rin bigyan ang mga friends ko at saka ang parents ko.” Sabi nito sa kanya. “Tumatanggap ka ba ng cheke?” tanong na muli nito sa kanya.

“Cheke? Ano iyon?” takang naisagot niya kay Charlie.

“Ah! Never mind. Ito na lang ang isang libo.” Sabay dumukot ito sa bulsa at inilabas ang pera at iniabot iyon sa kanya.

Nag alinlangan naman siyang kuhanin ang pera dahil napakalaki noon at pagnagkataon ay iyon ang pangalawang beses na makakahawak siya ng ganong kalaking pera.

“Bakit ayaw mong kuhanin?” sabi nito at napansin siguro ang di niya pag imik at di niya pagkuha sa pera.

Napakamot naman siya sa batok at di mawari kung ano ba ang dapat niyang sabihin. Sa totoo lang ay gusto na niyang kuhanin ang pera. Ang kaso hindi naman siya ang tipong swapang at kukunin ang pinaghirapang kitain ng iba. Tama na sa kanya ang sapat na bayad at kung may sumobra man ay iyon ay dahil sa paggagawa niya ng sobra ring kakanin.

“Ganito na lang babalikan ko na lang yang isang libo kapag nakapagdala na lang ako ng isang pang bilao ng bibingka.” Sabi niya sa binata habang hindi niya alam kung papaya ba ito sa alok niya o hindi.

“Ha bakit?” takang tanong nito sa kanya.

“Hindi ko kasi kayang tumanggap ng ganitong kalaki at saka nakokonsensiya ako. Sana maintindihan mo.” Pagpapaliwanag niya dito.

Tinitigan lamang siya ni Charlie bago nagsalita.

“Ive notice na kakaunti lamang pala ang kinikita mo sa paglalako ng bibingka.”

“Kasi wala naman akong natapos. Itong pagtitinda lang ng bibingka ang alam ko. Pero alam mo pinangarap ko rin namang makapagtrabaho sa isang kumpanya tulad nito. O di kaya naman ay makapagtayo ng sarili kong tindahan.” Aniya.

Matiim naman siyang tinitigan ni Charlie habang sinasabi niya rito ang ninanais niya sa buhay. Bago biglang parang nakaisip ito ng isang bagay at biglang nagsalita.

“You know what?! I have an idea.” Anito at ipinatong pa nito ang mga kamay sa lamesa.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito kayat napatanong siya ng di oras.

“H-ha ano yun? A-adiya ba kamo?” sabi niya habang namimilipit sa salita ng wikang ingles.

Tumawa naman ang kaharap ngunit hindi tawang pang i-insulto ang dating niyong kaya Liane. Napakasarap kasing pakingan ang tawa ng binata. Para itong anghel na kumakanta.

“May cafeteria ang company ko diyan sa first floor. Kung gusto mo pwede kang magtinda ng bibingka mo doon.”

Nag ningning naman ang mga mata niya at parang naging lalong anghel sa kanyang paningin ang lalakeng kaharap.

Hulog na yata sa kanya ng langit si Charlie. Bukod kasi sa napakabait na ay inalok pa siyang magtinda sa napakalaking building nito.

“Ano payag ka ba? Mas lalaki pa ang kikitain mo kung sa cafeteria ka mag tatrabaho. Bukod kasi sa paglalako mo ng bibingka na pwede mong ibenta diyan sa may cafeteria may extra ka pang kita na papasweldo ng mismong management.”

Sunod-sunod naman ang pag tango niya sa alok ng binata. Panay rin ang pasasalamat niya.

“Malaki ang maitutulong nito sa akin sir.”

Nakita niya ang pagkunot ng mukha ni Charlie.

“Sir na naman. Sabi ko naman sayo Charlie na lang ang itawag mo sa akin.” Ani ni Charlie na di makaila ang totoong nararamdaman kay Liane.

Tumayo naman si Liane upang magpaalam na dahil may dadaanan pa siya. Bibisitahin pa niya ang puntod ng kanayang ina. Ngayon kasi ang araw ng kamatayan at kaarawan nito.

“Sige Charlie ang itatawag ko sayo kung iyan ang gusto mo. Pero nais ko na palang umalis may pupuntahan kasi akong mahalaga at hindi na ako magtatagal pa. Alam ko naman na marami ka pang trabaho.”

Muli ay lumapit ito sa kanya para alalayan siya nito sa siko.

Ang akala pa niya ay aalalayan siya nito patungo sa labas ng opisina ngunit pati sa labas ay sinamahan siya nito.

“Baka gusto mo ng ride sasamahan na kita?” anito. “ Saan ka ba pupunta?”

‘Aba ang bilis pala nitong si Charlie Aragonez na ito. Tinatanong na kaagad siya kung saan siya pupunta. Siguro ganito ang ginagawa nito sa lahat ng mga babaeng nagugustuhan, lalo na at maganda ang mga ito.’ Iyon ang pilit na nagsusumiksik sa isipan ni Liane ng mga sandaling iyon.

Pero magpapakipot pa ba siya gayong wala na palang natitira sa perang natanggap niya kahapon dahil ipinambayad na niya ang halos lahat ng iyon sa kanyang bungangerang land lord.

“Kakapalan ko na ang mukha ko Charlie. Payag ako sa alok mong ipagmaneho ako.”

Ngumiti naman ito ng ubod tamis sa kanya at pinaghintay siya sa labas ng building dahil kinuha niot ang kotse sa parking lot.

“Hop inside.” Tawag nito sa kanya at pinagbuksan pa siya ng pinto at inalalayan.

Sumakay naman siya sa mamahaling mercedez ni Charlie at ng makaupo siya roon ay inilagay pa nito ang seat bealt.

Lumakas naman ang tibok ng kanyang didib sa ginawang iyong ng binata at sa pangyayaring iyon ay nagkatinginan silang dalawa at tinitigan siya nito. Panay naman ang lunok niya at alam niyang nakita iyon ng binata.

“Did I make u uncomfortable?” ang mahinang bulong nito sa kanya.

Kahit hindi niya naintindihan ang sinabi nito ay umiling siya para mabawasan ang kabang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Masyado kasing malapit ang kanilang mukha sa isat-isa at nalalanghap niya ang mamahaling pabango ng binata.

“Are you ready?” he said in a huskily voice at pinapungay pa lalo ang mga mata.

Hindi naman na inintay ang mga kasagutan ni Liane ng tanungin siya ni Charlie bagkos ay isinara na nito ang pintuan na malapit sa kanya at pumasok ito sa kabila.

Mabilis na umandar ang makina ng saksayan ni Charlie pagkatapos ay tinanong siya kung saan sila pupunta. Doon naman niya sinabi kung saan talaga ang lakad.

“Siguro dapat bumili muna tayo ng mga bulaklak para sa inay mo.”

“Masyadong mahal ang mga bulaklak kaya huwag ka ng mag alala kasi tinaniman ko na iyong paligid ng libingan ng inay ko.”

Mangha naman itong napatunghay sa kanya sa kaalamang tinaniman niya ng bulaklak ang paligid kung saan nahihimlay ang ina.

“Bilib rin ako sa abilidad mo ha.”

“Syempre naman, gagasto pa ba ako kung pwede ko namang tamnan na lamang.” Ang napakasaya niyang sagot na talaga namang ikinaaliw ng binata.

 

“Oo nga naman. Kaya nga wala na akong sinabi.” Ani ni Charlie.

Nagsimula na itong umayos ng upo at saka humawak sa manibela at umusad na sila patungo sa lugar na kung saan dapat sila pupunta.

At ng matapos ang pakay ay inalok siyang kumain ni Charlie sa mamahaling restaurant at hindi naman niya hinindian ang alok nito sapagkat kumakalam na rin naman ang tiyan niya.

________________________________________

CHAPTER 3

LUMIPAS ang napakaraming buwan at naging masaya naman ang pagtatrabaho ni Liane sa cafeteria. Sumusweldo siya ngunit parang hindi pa rin sumasapat iyon dahil binabayaran na niya ang utang niya ng paunti-unti kaya wala ring natitira kundi isang daan lamang.

Naging mabait na naman ang kanyang land lord na butangerea. Pero sa araw na iyon ay nabigla siya ng makita niyang ang mga gamit niya ay nasa labas na ng bahay niya at binabantayan ng isang estranghero.

“Anong nangyayari dito? Bakit nasa labas ang mga gamit ko?” ang di niya mapaniwalaang tanong.

“Miss sisimulan na hong gibain itong mga bahay dito dahil wala namang karapatang ipatayo ito ng kung sino man sapagkat pag-aari ho ito ng yumaong Minandro Aragonez.”

Nabigla siya ng husto. Pati pala ang tinitirhan niya ay pag-aari ng mga Aragonez. Ganoon pala kakapal ang land lord niyang kuhanin ang kanyang kinikita.

“Nako paano na ito wala ho akong mapupuntahan.”

“Hindi na ho naming problema iyon. Nagbigay na kami ng notice pero matigas ang mga tao dito. Kaya kung sino man ang tututol ay makukulong.”

Namlambot siya sa narinig na iyon. Pero kailangan niyang mag-isip kung saan tutuloy sapagkat malapit ng sumapit ang dilim at pagnagkataon ay sa kalsada siya tutulog. Delikado pa naman ang tulad niya na isang babae na gawin ang bahay na iyon.

Naalala naman niya si Aling Siyone dahil nakatira ito sa ilalim ng tulay tiyak niyang papatuluyin siya nito roon. Hinatak niya ang kanyang maleta at pinabayaan na niya ang ibang gamit dahil hindi rin naman niya makakayang mag-isa na buhatin iyon. Tanging ang mahahalagang papeles lamang ang naisama niya bukod sa maleta.

At ng marating niya ang bahay ni Aling Siyone sa may ilalim ng tulay ay langhap na langhap niya ang nangangalingasaw na amoy ng mga nabubulok ng bagay sa tubig.

“Nay Siyone!” tawag niya dito.

“Liane anong ginagawa mo dito?” biglang tanong nito ng makaharap niya ito sa harap ng pinto ng barong-barong.

“Na-demolish ho kasi iyong tinitirhan ko. Makikiusap ho sana ako sa inyo na dito muna ako tutuloy hanggang sa makahanap ako ng matitirhan.”

“Aba ay sige kung kaya mo ang amoy ng masangsang na baho ng tulay. Sa akin ay walang problema, mabuti nga iyon at may makakasama ako dito pati na rin sa pagpunta sa pinaglalakuan natin.” Ani ni Aling Siyone na bukal sa loob ang ligayang pagtanggap sa kanya sa mumunting bahay nito.

KARARATING lang ni Charlie sa opisina kinaumagahan at ng makaharap na siya sa table niya ay napapaisip siya ng husto kung paano niya makukuha ang mana na para sa kanya kasama na ang malaking building na hawak-hawak niya.

Ang utos kasi ng lola niya ay kapag nalagay na siya sa tahimik ay wala na raw siyang dapat ikabahala sapagkat ibibigay nito ang parte niya  kahit buhay pa ito, at dahil patay na ang lolo niya ay tiyak niyang mapapadali niyang makukuha iyon. Kailangan lamang niyang kasabwatin ang babaeng magpapanggap na maging asawa niya.

Gusto kasi niyang mapalaki ang kumpanya ngunit hindi naman niya magawa iyon sapagkat nakapangalan pa rin sa lola Agatha ang building. Limitado ang lahat para sa kanya. Kahit pa siya na ang ginawa nitong Presidente.

Tumingin siya sa relo at bigla naman niyang naalala na kaya siya pumasok ng maaga ay para sa cafeteria na siya mag umagahan. Mabilis niyang sinuot ang kanyang suit bago mabilis na lumabas ng opisina para tumuloy na sa ibaba.

At ng makarating siya sa cafeteria ay umorder siya ng kape at pagkatapos ay hinanap ng kanyang paningin si Liane. Wala ito roon kaya tinanong niya ang food manager kung nasaan ang dalaga.

Ang tanging paalam raw sa kanila ng dalaga ay hindi raw ito makakapasok ngayong araw dahil may importante raw itong gagawin.

Nagtataka si Charlie at wala sa cafeteria si Liane. Hindi niya rin maintindihan ang damdamin  kung bakit hinahanap niya na ngayon si Liane. Basta ang gusto niyang mangyari ay makita ito. Simula ata ng ipakilala sa kanya ni Aling Siyone si Liane ay nababagabag siya at noon lamang niya iyon naramdaman.

Lumabas siya ng building sa pag-asang makakakuha pa siya ng impormasyon tungkol sa pag absent nito. Kaya naisipan niyang tanungin si Aling Siyone.

“Nay alam niyo ho ba kung bakit hindi pumasok si Liane?”ang wala sa loob niyang naitanong.

Binigyan naman siya ng matanda ng makahulugang ngiti. Pero hindi naman siya nagpahalatang napahiya siya.

“Nako hindi pumasok ngayon si Liane gawa ng naglipat ng mga gamit niya sa aking barong-barong. Dahil iyong tinutuluyan niya ay nademolish.” Anang ng matandang kaharap.

Nabigla naman siya sa kaalamang iyon.

“Ganoon ho ba?” habang hinihimas niya ang baba at napapaisip. “Bakit ho na-demolish?”sabay abot ng pera para sa candy.

“Ang alam ko lang ay pag-aari iyon ng pamilya niyo at papatayuan ata ng isa pang building. Kaya ang mga tao roon ay pinaalis at kamalas nga lamang ay isa si Liane sa nakatira roon sa lugar na iyon. Kaawa-awang bata at wala namang pamilya kaya sa akin na tumuloy dahil ako lamang naman ang kakilala at pinagkakatiwalaan niya.” Kwento nito sa kanya habang iniabot ang tatlong pirasong candy.

Nakaramdam tuloy siya ng habag kay Liane na wala na palang pamilya at ang pamilya niya ang naging rason upang mahirapan ito ng todo sa buhay.

“Nay, pwede ho bang dalhin niyo ako kay Liane mamayang hapon. Gusto ko ho siyang makausap tungkol sa mahalagang bagay. Tutal naman ho ay kasalanan ng pamilya ko kung bakit siya naroroon sa bahay ninyo. Kung hindi sana idinimolish ng mama ang lugar na iyon ay di sana ay hindi nahihirapan si Liane.” Mahabang pagpapaliwanag niya kay Aling Siyone.

“Aba ay ikaw kung gusto mo ay sige. Pero pwede bang mamayang hapon mo na lamang kausapin si Liane. Kailangan ko pa kasing maubos itong mga paninda ko.” Sabay turo sa hawak na sigarilyo at candy.

Ngumiti naman siya at naunawaan naman niya ito. Kaya tumango siya para ipaalam na okay lamang sa kanya ang maghintay.

“Sige ho Nay, bababa na lamang ako ng building mamayang alas tres ng hapon at kukunin ko ang kotse sa parking lot. Intayin niyo na lamang ako rito at iikutan ko kayo.” Paalam niya kay Aling Siyone para hindi sila magkasalisi mamayang uwian.

“Ikaw ang bahala…” maikling tugon nito sa kanya at tumalikod na siya at nagtuloy sa loob ng building.

Pagpasok niya sa loob ng building ay nakasalubong naman niya si Dianne. Tinawag niya ito at kumendeng-kendeng ito habang papalapit sa kanya.

“Ano iyon?” mapang-akit na tanong nito sa kanya sabay nagpa beautiful eyes pa.

“Around three o’clock cancel all my appointments. Aalis ako ng maaga. Paki schedule mo na lang sa ibang araw na libre ako.”

Sumimangot naman ito pagkatapos niyang sabihin ang pinag-uutos.

“Sir saan ka pupunta?” usiserang tanong pa nito na dinaig pa ang pagiging guard. “Kailangang may masagot ako sa mga tatawag sa inyo di ba kaya dapat alam ko kung saan ka pupunta. Baka mamaya tumawag ang Mama niyo o di kaya ay si Lola Agatha niyo. Paano kung sabihin kong hindi ko alam tiyak na bubungangaan nanaman ako ng mga iyon.” Patiuloy na litany nito.

Alam niyang sumisipsip rin ito sa kanyang Mama at Lola Agatha pero hindi niya alam kung bakit. Ang alam niya ay talagang malambing sa kanya si Dianne. Pero hanggang doon lang iyon. Kahit na maganda ito ay hindi niya yata masabing magugustuhan niya ito. Iba ang hinahanap ng kanyang puso at ng kanyang mga mata. Si ‘Liane…’

‘Si Liane?’ ang biglang parang kampanang tumutunog sa kanyang ulo at napaisip tuloy siya ng di oras kung bakit ang dalaga ang nabiglang nasailoob niya. Tuloy ay nakalimutan niyang kaharap pa pala niya si Dianne.

“Charlie…” yugyog sa kanya ng sekretaryang si Dianne.

“Sorry may naalala lang ako. Basta gumawa ka na lang ng dahilan. Alam ko namang maaasahan kita. Kapag nagawa mo iyon may bonus ka sa akin.” at tinapunan niya ito ng matamis na ngiti bago kinindatan niya ito.

“Baka naman pwedeng ibang bonus na lang ang ibigay mo sa akin…” maarte pa ring sabi nito sa kanya at ipinatong pa ang mga kamay sa braso niya.

“Ikaw talaga mapagbiro ka talaga…” at maayos niyang tinanggal ang mga brasong nakapulupot sa kanya. “Baka isipin ng mga tao dito may relasyon tayo ha… Basta ikaw na ang bahala mamaya pag may tumawag sa akin sabihin mo nasa meeting ako. Ibibigay ko ang reward mo okay. Pangako iyan.” Ulit niya at hindi na niya binigyan pa ng kahulugan ang mga ginagawa ni Dianne. Ang alam niya kasi ay mapagbiro talaga ito. At saka okay lang naman sa kanya ang ganoon na close siya sa mga tauhan niya para hindi masyadong intimidated ang dating niya at nalalaman niya ang mga saloobin ng mga ito. At nakakatulong sa pang araw-araw nilang trabaho ang walang kaaway o bangayan sa opisina ng bawat isa.

Mahaba ang oras na itinuon ni Charlie sa harap ng mga papeles pero ang utak naman niya ay lumilipad kung saan. Pakiramdam pa niya ay napakahaba ng alas tres  na parang hindi gumagalaw ang mga kamay ng malaking orasan sa harap ng table niya.

Niluwagan niya ang tie at ini-unhook niya ang butones ng kanyang suot. Hindi kasi siya makahinga at parang makakapagbigay daan ng kaluwagan sa kanya ang ginawa niyang iyon.

“Liane… Liane… Liane…” Ang patuloy na bulong niya at huminga siya ng malalim bago ibinuga iyon sa kawalan. “Ano ba itong sinasabi ko…” Iling na patuloy pa niya bago muli niyang hinarap ang isang folder.

Naglalaman iyon ng mga papeles ng huling sulat ng kanyang lolo bago ito yumao. Maigsi lamang ang nakalagay doon at tanging siya lamang ang nakakaalam ng tungkol doon.

Dumayal si Charlie sa kanyang cellphone  upang tawagan si Matthew at ipaalam dito na naghanda ang Twins Club para sa muling papapakasal nito sa asawang si Isabella. At isa pa magpapahanap siya ng tutor para maturuan ng tamang pagkilos ang babaeng napupusuan at magpapanggap bilang asawa niya. At disidio na siyang na si Liane ang kukuhanin niya upang maisagawa ang lahat ng binabalak niya para mapasakanya na agad ang building na ipinamana sa kanya ng kanyang lolo.

Pagkatapos niyang tawagan si Matthew ay si Calbe naman ang sinunod niyang tawagan.

“Hey man. Meet me tomorrow at the club. Around five o’clock. May celebration ulit and be sure to bring some gift para sa mag-asawang Aguilar okay.” Aniya sa tonong naninigurado. Makakalimutin kasi ang kapatid niya at alam niyang busy ito sa school.

Ito na yata ang maprinisipyong taong nakilala niya. Sapagkat kahit kailanman ay hindi ito umasa sa kanyang magulang. Kahit yata siya ay hindi niya kakayanin ang ginagawa ng kanyang kapatid na magtrabaho sa isang kakarampot na sweldo lamang. Kahit pa suma-side line ito bilang actor sa isang pelikula ay kulang pa rin ang kita nito at pinangtutustos sa sarili. Nagtataka nga siya at papaano nababayaran ni Caleb ang condo at tuition fee sa eskwelahan. Talaga lamang sigurong maabilidad ito at pursigido.

Pursigido rin naman siya kung tutuusin. Pero sa paraan na mas madali. Ayaw niyang dumanas ng hirap kung gayong meron naman silang pera. At higit pa ay masipag rin siya sa trabaho at hindi niya pinababayaan ang kumpanya kahit pa wala na ang mga naunang sandigan ng Aragonez. Third generation na nga siya ikaw nga. At dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigan ay mas lalong naging matatag ang paninindigan at pangunawa niya sa papalago pang kumpanya.

“I’m not sure kung makakapunta ako. Marami kasi akong thesis na dapat tapusin. Pero I’ll try man but still hindi ako nangangako ha.” Ani ni Caleb sa kabilang linya.

“Alright, just don’t push yourself to much. And hey don’t be a man eater. Alagaan mo na iyang napupusuan mo. Tandaan mo tumatanda ka na. Bilisan mo na ring makatapos at sinisimulan na nina Mama at lola ang pagpapatayo ng kumpanya mo. Ayon nga at dinimolish na nila ang mga naninirahan doon.” At sabay siyang humalak pagkasabi niyon.

Alam niyang ayaw ng kanyang kapatid ang magtrabaho sa kumpanya. Kundangan lamang at matagal-tagal na rin itong kinukulit ng kanyang Mama at lola. Ayaw raw ng mga ito na sa kangkungan pulutin ang kapatid niya kayat hayun nagiging pakialamera ang mga ito sa kung ano ang pinag gagawa ng kanyang kakambal.

Kahit pa kambal silang naturingan ay hindi sila talaga magkahawig sapagkat fraternal sila. At may mga katangian magkaibang magkaiba. Pero kahit pa ganoon ay todo suporta sila sa kung ano man ang ikakaligaya ng bawat isa. Alam na rin ni Caleb ang mga plano niya at hindi siya nagtatago dito ng mga sekreto. Alam niyang mapaghangad siya at may pagkasakim pero hindi niya kailanman inisip na angkinin ang sa kapatid.

“Whatever man. Bayaan mo nga sila ni sama at lola. Kahit anong pilit ang gawin nila ay hindi ko gagawin ang ipinaguutos nila sa akin. I want to be a freeman okay. Hindi ko naman hiniling ang maging mayaman at kung gusto nilang sundin ko ang ipinaguutos nila. Huwag nilang pinakikialaman pati ang love life ko. Ang tanda ko na para mag desisyon sa mga ganoong bagay.”

Ang mga katagang halos naisip rin niya na sinabi ni Caleb. Pati nga rin pala love life nilang magkapatid ay pinakikiaalaman ng kanyang mama at lola.

“Yeah, I hear you dude.” At napangiti siya dahil nakaka-relate rin pala siya nararamdaman ni Caleb. “Oh sige na. I got to go na at tatapusin ko na itong mga paper works ko. Baka mabinbin nanaman. Mahirap na at baka lalo akong kulitin ng mga kumander ng mga Aragonez.”  Pabiro pa niya at saka niya pinatay ang kanyang cell phone.

________________________________________

CHAPTER 4

NABIGLA si Liane sapagkat ng dumating si Nay Siyone ay hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang sobrang simpatikong nilalang na si Charlie Aragonez. At naalala pa niyang nanglalakit siya sa pawis gawa ng mga gamit na kinuha niya sa pinag-iwanan niya sa na-demolish na tirahan.

“Tuloy ka hijo. Pasensiya ka na at masikip itong bahat ko. Yumuko ka na lang para makapasok ka sa kalooban.” Ani ni Aling Siyone kay Charlie.

Napansin rin ni Liane na sobrang tangkad nga pala nito at laki ng katawan kayat hirap na hirap ito sa loob ng bahay ni Aling Siyone. Kumuha naman siya ng upuan para paupuin na lang ito para hindi ito masyadong makuba sa pagkakatayo sa napakasikip na bahay.

“Salamat.” Ani ni Charlie pagkaabot sa kanya ni Liane ng isang miliit na silya.

“Walang anuman.” Sagot naman ni Liane. Pero nagtataka siya kung bakit nga ba kasama ni Aling siyone si Charlie sa bahay. “Anong ginagawa mo dito?” sa di siguradong itatanong ni Liane sapagkat hindi naman niya pag-aari ang bahay para magtanong ng gaonon.

“Nakiusap kasi ako kay Aling Siyone na gusto sana kitang makausap tungkol sa isang bahay.” At iginawi pa ni Charlie ang tingin sa kinatatayuan ni Aling Siyone upang siguruhin na silang dalawa lamang ni Liane ang nakakarinig ng isasangguni niya.

Nakahalata naman si Aling Siyone sa nais pakahulugan ni Charlie at nagsabi itong lalabas na muna ng bahay para pumunta sa karinderya sa may kanto.

Kinabahan naman si Liane sapagkat hindi siya sasadyain ng binata sa bahay ni Aling Siyone kung hindi iyon napaka importante.

“Ano ba ang nais mong sabihin?” ani ni Liane at umupo rin siya sa maliit na silya sa harap ni Charlie.

“Hindi na ak omagpapaligoy-ligoy pa sa sasabihin ko sayo. Alam ko namang kailangan mo rin ng pera at alam ko rin na kulang pa ang sinuseldo mo sa paggawa ng malagkit na kakanin. Kung papayag ka ay babayaran kita ng isang milyon kung magpapanggap ka bilang asawa ko.” Ang tapatan ng pahayag ni Charlie.

Halos mabigla si Liane sa sinabi ni Charlie. Dahil inaalok siya nitong magpanggap na maging asawa at babayaran pa siya nito ng isang milyon. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Pra kasing nabilaukan siya sa paglunok ng sariling laway.

“I—Isang… M—Milyon… A—Asawa…” ang nauutal at hindi makapaniwalang biglang naisambulat ni Liane. At halos himatayin siya sa harap ni Charlie.

Nakita pa niyang nakangiti si Charlie sa kanya at natatawa sa reaksiyon niya. Para pang napakadali lamang dito na alukin siya ng ganoon. Kahit pa hindi nito alam ang pinagmulan at ang buong pagkatao niya. Hibang ata ang lalaking ito at siya pa ang pinili nitong alukin.

“Payag ka ba?” muli ay sumeryoso ng tanong ni Charlie sa kanya.

Masyado atang napakabilis ng pangyayari kay Liane. Parang kakikilala pa lamang niya kay Charlie ng ilang mga araw. Tapos heto ito ngayon at inaalok siya ng isang milyon. Nawiwindang ang utak niya at hindi siya makapag-isip ng tama.

“Teka muna… Ibig sabihin magpapanggap lang ako na maging asawa mo at babayaran mo na ako ng isang milyon?” aniya sa halos magkabuhol-buhol niyang dila.

Tumango naman sa kanya si Charlie tanda ng pagsang-ayon sa inaalok nito sa kanya.

“Gaano naman katagal?” muli ay naitanong niya rito.

“Hanggang sa makuha ko na ang ninanais kong mapasaakin ang mana ko.At kung kailan ka tatagal.” Muli ay daretsahang sabi ni Charlie. At binigyan pa siya ng isang ubod tamis na ngiti na lalong nakakapagpakaba sa kanya. Sapagkat sila lamang ang naroron ay nagagawa nitong makipag landian sa kanya.

‘Aba ay suwapang pala ang lalaking nakakapag palaglag ng kanyang panty. Pero hindi naman iyon ang mahalaga sa kanya. Kung sawapang ito ay kailangan niya ring maging suwapang para mabuhay sa mundo. Impokrita lamang siguro ang magsasabing hindi sila pwedeng maging suwapang sa pera lalo na at kumakalam na ang sikmura sa gutom.’ Sa loob-loob ni Liane.

“Ano payag ka ba sa alok ko?” muli ay pukaw ni Charlie sa kanya habang napapansin na nito ang nalilito niyang pag-iisip.

“Ibig bang sabihin ay titira ako sa bahay mo kapag pumayag ako? Ano naman ang mga kondisyon at kailan ko makukuha ang isang milyon ko? At saka bakit kailangan kong magpanggap na maging asawa mo?” Ang wala ring gatol sa pagtatanong ni Liane kay Charlie.

Buong dangal niya yata ang nakataya sakali mang pumayag siya sa alok ni Charlie. At kung sakali mang pumalpak siya ay alam niyang siya ang masasaktan sa huli. Pero susugal siya dahil ganoon naman ang kalakaran sa mundong ginagalawan. Minsan lang dumating ang grasyang tulad nito at kung palalagpasin niya ay baka wala na ngang tumigil at dumaan para sa kanya.

“Wala namang maniniwalang asawa kita kapag hindi ka nakatira sa bahay ko di ba? Kaya’t dapat lang ng magkasama tayo sa iisang bubong. Simple lang din naman ang kondisyon ko. Titira ka sa bahay at magpapanggap bilang asawa ko sa harap ng Mama at Lola Agatha. Ikukuha kita ng tutor para magturo kung paano maging sopistikada. Kailangan kasing maging kapani-paniwala ang lahat ng galaw at kilos mo.” Ani ni Charlie at bahagya pang pinasadahan siya ng tingin particular na sa kanyang mga labi bago tumingin sa kanyang mata.

Umiwas naman siya sa nakakapasong titig ni Charlie bago bumaling sa bintana. Nakaparada pala sa labas ang mamahaling sasakyan nito at pinagkakaguluhan na ng mga kapitbahay.

“Hindi ko kagad masagot ang alok mo. Masyado kasing mabilis.” Ang nasabi niya at saka ibinalik ang tingin kay Charlie. “Bigyan mo ako ng isang araw para mapag-isipan ang lahat.”

Nakita niyang dumukot si Charlie at bulsa at inilabas nito ang cell phone.

“Kunin mo ito. Bukas tatawagan kita para alamin ang iyongkasagutan. Pindutin mo lamang ang OK para masagot mo ang tawag ko.” Bago iniabot ni Charlie ang telepono.

Tumayo na si Charlie at humakbang ito papalapit sa kanya. Nasamyo tuloy niya ang mamahaling pabango nito at sa sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya ay bumilis na muli ang pintig ng puso niya.

“Umaasa akong pumayag ka sa alok ko.” Ani ni Charlie at hinawakan pa niya ang kamay niya bago inilapit ang mga kamay nito sa labi at hinagkan iyon. “Aalis na ako. Bukas kapag oo ang sagot mo ay susunduin kita para tumira sa bahay ko. Huwag kang mag-alala, habang nasa poder kita ay wala kang dapat ipangamba dahil aalagaan kita at mamahalin na higit pa sa aking sarili.” Ang mahabang pangako sabi pa ni Charlie.

Nanginginig naman ang mga tuhod ni Liane. Ano ba kasing piangsasabi ni Charlie sa kanya. Tuloy ay parang gusto na niyang huwag na itong maghintay ng bukas pa at umoo na siya sa alok nito.

Gaga rin yata ang puso niya dahil ang bilis ng kabog niyon at nangangamba siya na baka marinig ni Charlie iyon sa sobrang lakas. AT sa sobrang hungkag ng nararamdaman niya ay…

“Oo…” sa mahinang boses at tuliro at wala sa loob niyang sagot kay Charlie.

Napakunot naman ng noo si Charlie…

“Sinasagot mo na kagad ang alok ko?” sa nagulat ring pahayag ni Charlie kay Liane. “Sigurado ka?”

At sumigaw si Charlie at niyakap siya ng ubod higpit.

Nagulat rin siya at hindi niya namalayan na umakap na rin pala siya kay Charlie.

“Thank you! Thank you! You don’t know how much this thing means to me.” Ani ni Charlie at sa sobrang saya ay hinagkan niya si Liance sa pisngi at muli ay niyakap niya si Liane. Nawala na rin sa loob ni Charlie na hindi nga pala masyadong nakakaintindi si Liane ng wikang ingles.

Dumating naman si Nay Siyone at nabigla ito sa posiyon nilang dalawa na mahigpit na magkaakap.

“Ehem…” ang malakas na pagpaparinig ni Aling Siyone.

Pareho namang nagbitaw si Liane at Charlie dahil sapagkapahiya.

“Nay Siyone, inalok ko ho sanang tumira sa akin si Liane pansamantala habang wala pa siyang nahahanap na lugar. Alam ko naman hong mahirap sa inyo ang tumira pareho sa maliit na lugar.” Panimula sabi ni Charlie kay Aling Siyone. “Pero kung gusto niyo rin ang—” ang hindi na naituloy pang sasabihin ni Charlie.

“Nako hijo. Salamat na lamang at hindi ko yata makakanasayan ang lugar na iaalok mo sa akin. Kahit gaano pa iyong kaginhawa. Si Laine na lamang ang mabuting alukin mo. Alam kong malayo pa ang mararating niya at sana ay alagaan at tulungan mo siya sa buhay.” Ang mahabang litany ni Aling Siyone.

Hindi naman nakakibo si Liane. Alam niyang makahulugan ang habilin ni Aling Siyone kay Charlie. Pero may nalalaman na ba ito at parang hindi man lamang ito nagsabi ng iba pa bukod doon sa alok ni Charlie.

“Salamat po Nay Siyone.” Ani ni Charlie.

Pakiramdam ni Liane ay para itong humingi ng basbas kay Nay Siyone. Kung umasta kasi ito ay para siyang pakakasalan na nito.

‘Pakakasalan? Nako magpapanggap lang naman siya maging asawa pero ang totohang kasal ay baka Malabo. Bakit naman siya gugustuhin nito at hayun para na niyang ipinamukha na mukha nga siyang pera. Di ba nga at pumayag na siya sa alok ng hindi nag-iisip. Dinaig niya rin ang babaeng bayaran. Wala na rin siyang pinagkaiba sa babaeng bayaran dahil magpapabayad rin siya.’ Ani ni Liane ng tinititigan ang nagkamayang matanda at binata sa kanya harapan.

“Sige ho uuwi na ako.” Sabay sumulyap si Charlie kay Liane upang paalam dito na lalakad na siya.

“Mag-iingat ka at maraming luko-luko sa labasan. Ihatid mo ng itong si Charlie sa labas Liane at bugawin mo ang mga kapitbahay sa paghawak sa sasakyan dahil baka magasgas nila iyon.” Utos ni Aling Siyone bago ay tumuloy ito sa kusina at inilapag ang biniling pagkain sa karinderya.

“Oho…” ang maikli namang niyang sagot bago ay sinamahan na niya si Charlie na lumabas sa bahay.

Hindi makatingin si Liane kay Charlie. Ayaw niyang mahuli nito ang nararamdaman niya. Nang hagkan siya nito ay ikinagulat niya iyon dahil kahit yata halik nito ay nakakapagpa hipnotismo sa kanya katinuan. Tapos ay hindi pa niya makuhang magalit o sampalin ang binata sa kapangahasan nito. Pero mas tanga siya sapagkat wala siyang ginawa.

“I’ll pick you up tomorrow. Huwag ka ng magdala ng gamit mo. Ibibili na lamang kita ng mga bagong damit. Ayokong maghinala sina Mama at lola kapag nakita pa nila ang mga lumang kasuotan mo.” Ani ni Charlie at hinaplos pa ang buhok ni Liane.

Hindi mapigilan ni Charlie ang lubos na kasiyahan nararamdaman. Kaya wala sa loob niya ang mga ginagawang paghalik at pag-akap at haplos sa dalaga. At muli ay hayon siya at tangka namang gawin na muli ang pag-akap dito ng mahigpit.

“Hindi ka magsisisi sa desisyon mo. I’ll make sure ill be a good husband kahit pa kunwari lamang ang lahat.” Muli ay sambit ni Charlie.

Bigla naman ang agwat ni Liane sa yakap ni Charlie. Baka kasi biglang lumabas si Aling siyone at makita silang nag-aakapan ay wala siyang maidahilan sa matanda.

Hindi na rin niya sinagot ang huling sinabi ni Charlie. Binuksan nito ang pinta ng sasakyan at sumakay na. Bago ay pinaandar nito ang sakyan. Nang makaalis na ay saka niya pinaghimay ang sagot niya kay Charlie.

“Tama bang umoo ako. Para yatang ipinagkanulo ko kay santanas ang kaluluwa ko. Pero kung si Charlie ang santanas ay hindi naman nga ako makakahindi. Ay ewan bahala na nga…” ang muli ay nasambit niya.

“Hoy miss… Pst!” sitsit ng isang matabang babae na kapitbahay ni Aling Siyone. “San mo nabingwit iyon ha? Ang gwapo at simpatiko ha?! Ang ganda pa ng kotse at mukhang sobrang yaman ng dating. Syota mo ba iyon?” usiserang tanong nito sa kanya.

Pero imbis na mairita siya sa kausiserang babae ay nginitian niya ito at sinagot ng…

“Ah asawa ko ho iyon. Nagkaroon lang ho kami ng hindi pagkakaunawaan kaya nagpunta dito at sinusundo ako. Eh sabi ko bukas na lamang ako uuwi at sasamahan ko muna si Aling Siyone ngayong araw na ito.” Pagmamayabang niya at napuna niya na biglang nagbulungan ang mga ito.

Napuna yatang nagsisinungaling siya dahil sa itsura niyang parang dinaig pa ang namumulot ng basura dahil sa baho at gusgusin ng kanyang itsura sa maghapong paghahakot ng gamit. Pero wala siyang paki kung maniwala man ang mga ito sa kanya. Basta ang mahalaga ay bukas luluhod ang tala at hahalik sa lupa. Bukas ay magbabago ang kapalaran niya at kasabay niyon ang maabot ang pinapangarap na makatisod ng isang prinsipe. Sabay mala lukaret siyang tumawa ng talikuran niya ang mga usisera.

“Oh ano nakauwi nab a si Charlie?” ang tanong ni Aling Siyone ng makapasok siya sa loob ng bahay.

“Oho…” ang sagot naman niya kay Nay Siyone.

“Sigurado ako Liane. May gusto sayo si Charlie. Malakas ang kutob ko ng ipakilala ko siya sayo ay iba na ang mga tingin niya.” Pabiro pa ng matanda sa kanya.

“Kayo talaga Nay Siyone kung ano-ano ang pumapasok sa isip niyo. Masama yan, baka maniwala ako ng husto sa biro niyo. Kawawa naman ang beauty ko Nay.” Sagot naman niya dito at sabay napangiti siya.

“Maniwala ka hija. Ay bakit ka naman pupuntahan dito at aalukin na tumira sa kanya kung wala siyang gusto sayo. Isa lang ang ibig sabihin non Liane. Tinamaan sayo ang binatang iyon.” Patuloy pang sabi ni Aling Siyone at inilagay pa ang mga plato sa lamesa. “Nababasa ko na ang itatakbo ng pag-iibigan niyong dalawa. Sa tingin mo bas a tanda ko ng ito ay hindi ako dumaan sa ganyan. Para ipaalam ko sa iyo pabalik na ako papunta ka pa lang.”

Napangiwi naman siya. Hayun nanaman silang dalawa ni Aling Siyone. Papalag pa ba siya e alam na yata nito ang takbo ng istorya ng love story niya.

“Nay Siyone tutal naman ho eh alam niyo na ang takbo ng pag-ibig ko ay bakit hindi niyo na lamang ikwento sa akin at pamagatan niyo na rin. Para naman alam ko na ho ang mangyayari.” Pabiro niya sa matanda at tinulungan niya rin ito sa pag kuha ng tinidor at kutsara.

“Ay siya huwag kang maniwala! Pero payo ko lang sayo Liane kahit pa hindi ako ang tunay mong ina ay nagmamalasakit ako sayo at hangad ko ang kaligayahan mo. Sigurado akong ikaw at si Charlie ang sa isa’t-isa. At kung magkamali man ako sa nakikita kong pagtatangi sayo ni Charlie ay hinihiling ko pa rin na sana’y matagpuan mo ang tamang lalaki para sayo. At maging matalino ka sana sa pag pili. Huwag kang pipili ng malagkit ang mukha dahil Malagkit na nga ang buhay mo ay baka langawin ka pa sa lagkit.” Ang mahabang payo sa kanya ni Aling Siyone.

Napailing na lamang siya sa muling diskusyong iyon. Wala namang kamatayan ang pang-aalaska nito sa kanya. At may punto rin naman ang lahat ng binitawan nito sa kanya kaya hindi na rin siya sumagot pa. Ipinagsandok na lamang niya ng kanin si Aling Siyone at ng ulam bago niya sinalinan ang sariling plato.

ITUTULOY

 

 

TUNGKOL SA AKIN April 6, 2009

Filed under: AKO SI BUDJOY — budjoy @ 11:15 am

Bago ang lahat ay nais kitang batiin at i-welcome sa pag check ng aking page. Sana ay ma-enjoy mo ang mga nobelang naisulat ko. Na nalathala naman sa main page ng Filipino Romance Novel FRN. Kaya check out mo na lang po sa mga susunod na ipapasa ko roon.

Ako nga pala si Budjoy hindi ko tunay na pangalan. Kinuha ko ang pen name na ito dahil sa movie na napanood ko noong kabataan ko pa. Ito ang movie na Labs Kita Okay Ka Lang na pinagbidahan naman ni Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Oo makorny akong tao kaya Budjoy ang name na ginamit ko. Pero naging memorable kasi ang linyang sinabi ni Jolina doon na

“Oh yes! Kaibigan mo ko… Kaibigan mo lang ako… And that’s all I was to you Ned. Your bestfriend! Takbuhan mo ko kapag may problema ka. Tagasunod, tagabigay ng advice, taga-enroll, tagagawa ng assignment. Tagapagpatawa sayo kapag nalulungkot ka. Tagatanggap ng kahit na ano. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend. Dahil kahit kailan hindi mo naman ako  makikita eh. Kahit kailan hindi mo ko kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan…”

“Budjoy… Budjoy…”

“Ngayong alam mo na… I think you can get out of my life!”

Nakahiligan ko na ang magsulat ng nobelang tagalog kahit pa alam ko namang hindi ako ganong kagaling. Kung baga nais ko lang makapagbahagi ng aking imahinasyon na alam ko namang makapagbibigay saya sa iba.

PAUNAWA: Huwag ninyong kalilimutang mag-iwan ng komento pagkatapos niyo pong mabasa ang aking nailathalang kwento dito o di kaya ay sa FORUM ng filipino romance novel frn. Iyon lamang po ang aking hinihiling at maraming salamat po.

 

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.